Ang Link na Lumukso-sa
Ang bawat Sagot (para sa mga tanong) o Deskripsiyon (para sa mga
pahinang pang-Sanga) ay may Lumukso-sa na link. Kapag ang sagot na ito
ang pinilì, ang tugon sa sagot ay ipapakita sa mag-aaral. Pagkatapos
nito, makikita ng mag-aaral ang pahinang ibinigay sa Lumukso-sa na link.
Ang link na ito ay maaaring maging relatibo o absoluto. Ang mga
relatibong link ay Pahinang ito at Susunod na pahina. Ang
ibig sabihin ng Pahinang ito ay makikita mulî ng mag-aaral ang
kasalukuyang pahina. Ipinapakita naman ng Susunod na pahina ang
pahinang susunod sa pahinang ito alinsunod sa panglohika na kaayusan ng
mga pahina. Ang mga absolutong link ng pahina ay itinatakda sa
pamamagitan ng pagpilì sa pamagat ng pahina.
Tandaan na ang isang (relatibo)
Susunod na pahina na link na Lumukso-sa ay maaaring magpakita ng
ibang pahina matapos mailipat ang mga pahina. Samantalang ang mga
Lumukso-sa na link, na gumagamit ng pamagat ng pahina ay palaging
ipapakita ang parehong pahina matapos mang mailipat ang mga pahina.
Espesyal na Paglukso
Dinakikitang Tanong sa loob ng isang Sanga
Maglilink ito sa isang pinilì nang random na
dinakikita (ng mag-aaral sa pagkuha niyang ito ng aralin) na tanong s
apagitan ng manghad ng sanga at ng Dulo ng Aralin o sa susunod
na Dulo ng Sanga.
Random na Tanong sa loob ng isang Sanga
Maglilink ito sa isang pinilì nang random na
tanong sa paggitan ng kasalukuyang manghad ng sanga at ng Dulo ng
Aralin o ng susunod na Dulo ng Sanga. Kung nakita na ng
mag-aaral ang tanong at ang pagkuha ay higit sa 1, makakakuha sila ng
isa pang pagkakataon na makuha ang (mga) puntos ng tanong na iyon.
Kapag ang pagkuha ay itinakda sa 1, ang tanong ay lalaktawan at isa pang
random na tanong ang ipapakita.
Random na Manghad ng Sanga
Lulukso ito sa isang random na
Manghad ng Sanga sa pagitan ng kasalukuyang Manghad ng
Sanga at ng Dulo ng Aralin o ng susunod na Dulo ng
Sanga.