popup


Displey sa isang "ligtas" na window Ang "ligtas" na window ay nagtatangkang magbigay ng dagdag na seguridad para sa mga pagsusulit (na ginagawang mas mahirap ang pangongopya at pandaraya) sa pamamagitan ng paglimita sa ilang bagay na maaaring gawin ng mag-aaral sa kanilang mga browser. Ang nangyayari ay: Ang Javascript ay ginagawang labis na kailangan. Ang pagsusulit ay lumilitaw sa isang bagong fullscreen na window. Ang ilang aksiyon ng mouse sa teksto ay pinipigilan. Ang ilang atas para sa keyboard ay pinipigilan. NOTE: HINDI ganap ang seguridad na ito. HUWAG umasa sa proteksiyon ito bilang nag-iisa ninyong istratehiya. Imposible ang pagpapatupad ng ganap na proteksiyon ng mga pagsusulit sa isang pangweb na kapaligiran, kaya huwag pong umasa sa opsiyong ito kung talagang nag-aalala ka hinggil sa pandaraya ng mga mag-aaral. Ang ibang istratehiya na maaari mong tangkain ay lumikha ng tunay na malaking database ng mga tanong kung saan maaari kang makapamilì ng tanong ng random, o mas maigi pa, pag-isipan mong muli ang pangkalahatan mong pagtatasa para makapagbigay ng mas malaking halaga sa konstruktibong anyo ng aktibidad tulad ng pag-uusap sa talakayan, paglikha ng talahulugan, pagsusulat ng wiki, workshop, takdang-aralin atbp.

Wyszukiwarka

Podobne podstrony:
popup
2006 05 Password Tricks Customizing the Password Popup Window
popup window5
popup window 001
popup
popup
optimized popup
popup
popup
delayed popup
popup date picker
popup picker demo
popup ins image
popup
popup page

więcej podobnych podstron