weight


Timbang Dito mo puwedeng itakda ang mga timbang ng marka para sa isang kategoriya, gayundin ang pagtapon ng pinakamababang X na takdang aralin mula sa kuwentahan ng marka, pagdaragdag ng mga bonus na puntos sa isang kategoriya, pagtatago ng kategoriya mula sa pagpapakita o pagkuwenta ng marka. Timbang: Pinapahintulutan ka nitong lagyan ng timbang ang mga marka alinsunod sa kategoriya. Ang timbang ay ang bahagdan na iaambag ng isang kategoriya sa kabuuang marka. Ang kabuuan ay ililista sa ibaba, sa kulay luntian na teksto kung ang mga kabuuang timbang para sa lahat ng kategoriya ay tumutumbas sa 100. Kung hindi ay kulay pula ito. Itapon ang X na Pinakamababa: Ginagamit ito sa pagtapon ng X na bilang ng pinakamababang iskor sa pagkuwenta ng marka ng mag-aaral. Dapat ay parepareho ang halaga ng mg akabuuang puntos para sa isang kategoriya kundi ay may mga hindi inaasahang mangyayari sa resulta. Bonus na Puntos: Ginagamit ito sa pagbibigay ng dagdag na puntos na hindi magbabago sa kabuuang puntos para sa isang kategoriya. Magagamit ito sa pagbabago ng marka kung may dimakatarungang tanong o iba pang dahilan. Ipatutupad ito nang pantay-pantay sa lahat ng mag-aaral. Kung nais mong magbigay ng dagdag na marka sa partikular na mag-aaral; magdagdag ng isang bagong minarkahang aytem at itakda ito na maging dagdag na marka sa "Itakda ang mga Kategoriya". Nakatago: kung may tsek ang kahong ito, aalisin nito ang isang kategoriya sa ipapakita at gayun din sa mga kukuwentahin. Madali itong paraan ng pagdaragdag ng mga aytem sa markahan kapag natapos na lamang itong mabigyan ng marka. Dahil ang mga minarkahang aytem na wala pang kategoriya ay awtomatikong ilalagay sa "Walang Kategoriya", maaari mong gawing nakatago ang "Walang Kategoriya" na kategoriya at pagkatapos ay habang nagmamarka ka ng mga aytem ay ilipat ito sa alinmang kategoriya na nais mo. Makikita na ng mga mag-aaral ang marka nila pagkatapos nito.

Wyszukiwarka

Podobne podstrony:
WeightGroups
Weight Specification
16 Formula Weights
Building Muscle Without Weights
weight
Weight Watchers Kochbuch Rezepte zum abnehmen
120410141849?c tewsf take the weight off your?et
weight
Diet, Weight Loss and the Glycemic Index
52 Tips For Losing Weight
Weight Loss Instructions
Weight of Blood
weight
font weight
weight
weight training ebook

więcej podobnych podstron