Pagsusulat
Kapag nagsulat ka ng teksto na babasahin ng iba, tangkain mong
sumulat nang parang nakikipagusap ka ng harapan sa mambabasa mo.
Ipaliwanag mo nang malinaw at simple ang mga ideya mo upang maiwasan
ang di pagkakaunawaan. Ang isang bagay na magagawa mo ay ang iwasan ang
mahahabang salita kung puwede naman ang maikli.
Sa mga talakayan, makakatulong kung pananatilihin mong maikli at nasa
paksa ang buong post mo. Sa halip na isang mahabang paliguy-ligoy na
post na may maraming iba't-ibang punto, mas mabuti pang magsulat ng
ilang maiikli (maaari rin itong mapunta sa magkakahiwalay na talakayan).
Muling editin ang teksto ninyo hangga't kailangan, hanggang tama na
ito. Kahit sa mga post sa talakayan may minuto ka pa, matapos mong maipost ito,
upang bumalik at paunlarin ito kung kailangan.
Sa pagtugon sa iba, mag-isip ka ng mga nakakawiling tanong na
maitatanong mo sa kanila. Makakatulong ito sa inyong pareho na mag-isip
(at matuto!) tungkol sa paksang tinatalakay.
Dagdag na
impormasyon hinggil sa pagtatanong
Dagdag na
impormasyon hinggil sa pagbabasa
Wyszukiwarka
Podobne podstrony:
general training example writing 6 10writingDerrida, Jacques Speech and Writing according to Hegelwritingielts writing part one describing processeswritingwritingSO Intermediate Writing Reference U8writingwięcej podobnych podstron