background


Mga Moodle Dok: Kasaysayan Kasaysayan Ang Moodle ay isang aktibo at patuloy na nageevolve na gawain. Ang development nito ay sinimulan niMartin Dougiamas na siyang patuloy na namumuno sa proyekto: Matagal ko na itong dinidibelop, pahinto-hinto minsan. Nagsimula ito noong dekada 90 nang webmaster pa ako sa Curtin University of Technology at isang system administrator ng WebCT installation nila. Marami akong kinaiinisan sa halimaw na WebCt at naiisip ko na - may mas mabuting paraan siguro (pero hindi Blackboard) :-) Marami rin akong kakilala sa ibang paaralan at mas maliit na institusyon (at ilang malalaki!) na nais ding magamit ng mas mabuti ang Internet pero hindi alam kung saan magsisimula sa santambak na teknolohiya at pedagogy na mayroon. Pinangarap ko na sana'y may Malayang alternatibo na magagamit ng mga taong tulad nito, upang matulungan silang magamit ang kanilang kasanayan sa pagtuturo sa isang online na kapaligiran. Bunga ng marubdob kong paniniwala sa hindi pa nasusubok na mga posibilidad ng Internet-based na edukasyon ay nagtapos ako ng Master at pagkatapos ay PhD sa Edukasyon, alipala'y pinagsanib ko ang dati kong karera sa Siyensiya ng Kompyuter at mga bagong kaalaman hinggil sa katangian ng pagkatuto at pagtutulungan. Higit sa lahat ay naimpluwensiyahan ako ng epistomolohiya ng social constructionism - na hindi lamang tinitingnan ang pagkatuto bilang aktibidad na panlipunan, lalo pa ay binibibigyang diin ang pag-aaral na nangyayari habang aktibong lumilikha ng mga artifact (tulad ng teksto) na pagmamasdan o gagamitin ng iba. Napakahalaga sa akin na ang program na ito ay maging madaling gamitin - dapat nga ay magagamay nang kahit pauwido ito. Determinado ako na ipagpatuloy ang gawain ko sa Moodle at sa pagpapanatili nitong Open at Malaya. May malalim akong paniniwala sa kahalagahan ng walang balakid na edukasyon at empowered na pagtuturo, at ang Moodle ang pangunahing paraan upang makapag-ambag ako sa katuparan ng mga adhikaing ito. Maraming naunang prototype na nalikha at itinapon bago niya inirelease ang bersiyon 1.0 sa isang walang malay na daigdig noong Agosto 20, 2002. Ang bersiyong ito ay dinisenyo para sa mas maliit, mas intimate na mga klase sa antas Unibersidad, at naging pagksa ng mga case study na pananaliksik na binusisi ang pagsusuri sa katangian ng kolaborasyon at repleksiyon na nagaganap sa mga maliliit na grupo ng adult na kalahok. Simula noon, nagkaroon na ng tuloy-tuloy na serye ng mga bagong release na nagdagdag ng mga bagong feature, bagong scalability at mas mahusay na paggana. Habang lumalaganap ang Moodle at lumalaki ang komunidad, mas maraming input ang nakukuha mula sa mas malawak na iba-ibang klase ng mga tao sa sa iba't-ibang sitwasyon ng pagtuturo. Halimbawa, ang Moodle ay hindi lamang ginagamit sa mga Unibersidad, ginagamit din ito sa mga high school, primari school, mga non-profit organization, pribadong kumpanya, ng mga independiyenteng guro at maging mga magulang na naghohomeschool. Dumaraming bilang ng mga tao mula sa iba't-bang panig ng mundo ang nag-aambag sa Moodle sa iba't-ibang paraan - para sa mas maraming detalye tingnan ang pahina ng Pasasalamat (Credits) Isang importanteng feature ng proyektong Moodle ay ang moodle.org na web site, na nagiging sentro ng impormasyon, talakayan at bayanihan ng mga user ng Moodle, na kabilang ang mga system administrator, guro, mananaliksik, designer ng instruksiyon at siyempre pa, mga developer. Tulad ng Moodle, ang site na ito ay palaging nageevolve upang matugunan ang pangangailangan ng komunidad, at tulad ng Moodle mananatili ito laging Malaya. Noong 2003, ang moodle.com ay pinasinayaan bilang isang kumpanyang nagbibigay ng dagdag na komersiyal na suporta para sa mga nangangailangan nito, gayundin ang pinamahalaang paghohost, konsultasyon at iba pang serbisyo. Para sa mga binabalak na plano para sa Moodle, tingnan ang mapa ng Kinabukasan. Dokumentasyon ng Moodle Version: $Id$

Wyszukiwarka

Podobne podstrony:
Backgrounds
background
background gfpubsusfyfu5zxxhn4jtnfmpqinw42kx76hkdy
backgroundposition
Windows 7 Logon Background Changer Readme
background
background sttybpmx3eimu4edv54s7dajqn5j56v3eu6uhpq
background image (2)
background
background
Secs Background
background image
background
background

więcej podobnych podstron