managing


Pamamahala ng Takdang-aralin sa Workshop Ang Pangworkshop na Takdang-aralin ay mas masalimuot kaysa sa ordinaryong takdang-aralin. May mga hakbang ito o bahagi. Ito ay ang mga sumusunod: Iayos ang Takdang-Aralin Dapat hatiin ang pagtatasa ng takdang-aralin sa ilang ELEMENTO ng pagtatasa. Nababawasan nito ang panghuhula ng marka at binibigyan ng balangkas ang mga mag-aaral na mapagbabatayan nila ng pagtatasa. Tungkulin ng guro na isaayos ang mga elemento ng pagtatasa, na siya ring magiging markahan. (Tingnan ang pahinang iyon para sa detalye.) Kapag naisetup na ang mga elemento sa pagtatasa, karaniwan ay magpapasa ang guro ng maliit na bilang ng halimbawang gawa. Mga gawa itong pagpapraktisang tasahin ng mga mag-aaral bago nila ihanda ang sarili nilang mga gawa. Pero, bago ipagamit ang takdang-aralin sa mga mag-aaral, kailangang tasahin na muna ng guro ang mga halimbawang gawa. Nagbibigay ito sa mga guro ng modelong "sagot" kapag nirerebyu na niya ang pagtatasa ng mga mag-aaral sa mga halimbawang iyon (na lilikhain sa susunod na hakbang). Ang pagpapasa ng mga halimbawa gawa ng guro ay opsiyonal at maaring hindi angkop para sa ilang takdang-aralin. Pahintulutan ang Pagpapasa ng mga Mag-aaral Bukas na ngayon ang takdang-aralin sa mga mag-aaral. Kung gumawa ang guro ng ilang sampol, puwedeng hilingin ang mga mag-aaral na tasahin ang ilan sa mga ito. (Ang bilang ng pagtatasa ay ibibigay kapag nilikha ang takdang-aralin.) Kapag ang nagawa na ng mag-aaral ang itinatakdang bilang ng pagtatasa, puwede na silang magpasa ng sarili nilang gawa. Ang bentahe ng pagpapanatili ng takdang-aralin sa hakbang na Pagpapasa ay upang mapahintulutan ang pagdami ng ipinasa. Kapag ipinamahagi sila sa susunod na dalawang hakbang hakbang, magkakaroon ng mas magandagn pagkakakalat ng gawain. Kapag inilagay kaagad ang takdang-aralin sa "Pahintulutan ang Pagpapasa at Pagtatasa" na hakbang mula sa "Isaayos" na hakbang (na pinahihintulutan naman), ang mga mag-aaral na nagpasa nang mas maaga magkakaroon ng mga tatasahin na maagang ipinasa samantalang ang mga nagpasa ng huli ay magtatasa ng mga huling ipinasa. Ang paglalagay ng "pagbalam" bago magsimula ang pagtatasa ng kapwa ay makakatulong sa paglutas ng suliraning ito nang malaki. Kapag nagpasa ang isang mag-aaral ng gawa niya, maaari itong tasahin ng guro, kung naisin niya. Ang pagtatasang ito ay puwedeng isama sa huling marka ng estudyante. Ang mga pagtatasang ito ay maaaring gawin sa panahon ng hakbang ng "pagpapasa at pagtatasa ng takdang aralin". Kung ginawa ng guro ang pagtatasa niya bago ang pagkuwenta ng mga huling marka, magagamit ito sa pagkukuwenta iyon. Pahintulutan ang Pagpapasa at Pagtatasa ng Mag-aaral Kung may pangkapwang pagtatasa ang takdang-aralin, ang mga mag-aaral na nagpasa na ng gawa nila ay papakitaan na ng gawa ng ibang mag-aaral para tasahin nila. Ang mga mag-aaral na hindi pa nagpapasa ng gawa nila ay pahihintulutang magpasa ng gawa nila (nguni't hindi sila papakitaan ng gawa ng ibang mag-aaral). Sa hakbang na ito, ang pagpapasa, muling pagpapasa at pagtatasa ng ipinasa at muling ipinasa ay pinahihintulutan na maganap ng sabay-sabay. Maaaring mas nais ng guro na hatiin ang pagpapasa ng gawa at ang pangkapwang pagtatasa nito sa dalawang magkahiwalay na hakbang. Hihintayin munang magpasa ang lahat ng mag-aaral bago simulan ang hakbang ng pangkapwang pagtatasa. Sa kasong ito, ang hakbang na ito ay hindi na gagamitin, ang takdang-aralin ay magmumula sa "Pahintulutan ang Pagpapasa¨ at didiretso sa "Pahintulutan ang Pagtatasa". Binibigyan nito ang guro ng kakayanang maglagay ng taning sa pagpapasa, ang takdang-aralin ay ililipat na sa hakbang na "Pahintulutan ang Pagtatasa" kapag natapos na ang taning. Sa kabilang banda, kung ayaw ng guro ng ganitong magkahiwalay na hakbang sa takdang-aralin, ginagamit ng takdang-aralin ang hakbang na ito. Kapag pinapahintulutan ang magkasabay na pagpapasa at pagtatasa, dapat isipin ng guro ang pagtatakda ng Antas na Lagpas sa Alokasyon sa ISA (o kaya'y DALAWA) upang mapahintulutan ang pamamahagi na gumana nang maayos (tingnan ang pahinang pang -Admin para sa mga detalye). Tandaan na ang paggamit nito ay magreresulta sa (pangkapwang ) pagtatasa ng maraming ulit sa ilang ipinasa at mas kaunting ulit sa iba pa, kumpara sa mayorya ng ipinasa . Kapag gumawa ng pagtatasa ang isang mag-aaral, makikita ito ng kapwa niya. Ang mag-aaral na nagpasa ng gawa ay maaaring magbigay ng opinyon sa pagtatasa, kung pinilì ang opsiyon na ito sa takdang-aralin. Kung naisin ng guro, puwede niyang markahan ang mga pangkapwang pagtatasa na itoat dalhin ang mga iskor sa huling marka ng mag-aaral (nguni't hindi naman ito kailangan sa maraming pagkakataon, tingnan ang hakbang ng Pagkuwenta ng mga Huling Marka). Pahintulutan ang Pagtatasa ng Mag-aaral Sa hakabang na ito magpapatuloy ang pangkapwa na pagtatasa nguni't hindi na pahihintulutan ang pagpapasa, kasama ang muling pagpapasa. Ang mga mag-aaral na hindi nagpasa ay sasabihan na hindi na sila puwedeng magpasa at hindi sila papakitaan ng anumang ipinasa (ng kapwa nila) para tasahin. Maaaring ipagpatuloy ng guro, kung naisin niya, na markahan ang mga pangkapwang pagtatasa at ang mga iskor na ito ay madadala sa huling marka ng mag-aaral (nguni't hindi naman ito talaga kailangang sa maraming pagkakataon, tingnan ang susunod na hakbang) Pagkuwenta ng Huling Marka Matapos ang deadline, aakyat na ang takdang-aralin sa susunod na hakbang, kung saan hindi na puwedeng magpasa ni magtasa ang mga mag-aaral. Maaaring markahan ng guro ang mga pagtatasang ginawa ng mga mag-aaral sa mga halimbawa at ang pagmamarka ng mga ipinasa ng mag-aaral. Puwede rin nilang markahan ang mga pangkapwang pagtatasa na ginawa ng mga mag-aaral. Hindi naman ito talagang kailangan, dahil kung may sapat na bilang ng pagtatasa na nagawa sa bawat ipinasang gawa, ang "kakayanang magmarka" ng bawat mag-aaral ay makukuwenta na mula sa mga relatibong iskor. Pagkatapos ay kukuwentahin na ng guro ang mga huling marka ng mga mag-aaral. Karaniwan ay binubuo ng tatlong bahagi ang mga huling markang ito, alalaong baga'y marka ng gawa ng mag-aaral mula sa guro, mean na marka ng gawa ng mag-aaral mula sa kapwa estudyante nila, at ang kakayanang magmarka ng mag-aaral. Maaaring isama sa huli ang mean na "marka sa pagmamarka" na ibinigay ng guro sa mga opinyon ng estudyante. Nilalagyan ng timbang ng guro ang mga komponenteng ito bago ang pagkuwenta ng huling marka. Pagpapakita ng mga Huling Marka Ang huling hakbang ng takdang-aralin ay ipapakita sa mga mag-aaral ang mga huling marka nila. Pero puwede rin, kung gusto ng guro na ibalik ang takdang-aralin sa mga unang hakbang upang makapag-adjust ng, halimbawa, ay mga timbang na ginamit sa pagkuwenta ng huling marka. Pagkatapos ang nirebisang marka ay maipapakita na sa mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral (at ang guro) ay pinakikitaan din ng "Panligang Manghad" ng mga ipinasa ng mga mag-aaral. Inililista ito alinsunod sa marka, ang pinakamataas na ipinasa ang una. Dito ang marka na ibinigay sa ipinasa ay kombinasyon ng marka ng guro at ang katamtaman ng mga marka mula sa kapwa mag-aaral (kung mayroon nito). Ang timbang na gagamitin ay iyong ibinigay sa naunang hakbang. Sa alinmang hakbang sa takdang-aralin, maaaring buksan ng guro ang pahinang "Pang-administrasyon". Ipinapakita nito ang kasalukuyang kalagayan ng takdang-aralin. Inililista nito ang mga ipinasang halimbawa ng Guro (kung mayoon man), ang pagtatasa ng mag-aaral (ng mga halimbawa ng guro, ng kanilang gawa, at ng ipinasa ng ibang mag-aaral), at ang ipinasa ng mga mag-aaral. Magagamit ng guro ang pahinang ito sa pagtatasa at muling pagtatasa ng ipinasa, pagmamarka at muling pagmamarka ng pagtatasa, pagbura ng ipinasa at pagtatasa, at pangkalahatang pagsubaybay sa progreso ng takdang-aralin.

Wyszukiwarka

Podobne podstrony:
Managing Producing Field
F1 Managing trade receivables and payables
managing
Understanding and Managing Polymorphic Viruses
managingÛ¬A9AB6E
managing
managing
managingRecordingFiles
managing
managing
managing
managing
managing
managing
managing?pendencies?344AB5
managing
Managing brands for value creation
managing
Managing Linux Computers Using SCCM 2012 R2

więcej podobnych podstron