Maraming Pagpipiliang Sagot na tanong
Para masagot ang tanong (na maaaring may kasamang larawan) ang
sasagot ay mamimilî sa maraming sagot. May dalawang uri ng
maraming-pagpipiliang-sagot na tanong - isahang-sagot at maramihang-sagot.
Sa mga isahang-sagot na tanong, isa at tanging isang sagot lamang ang
puwedeng piliin. Karaniwang ang lahat ng marka sa ganitong tanong ay
dapat positibo.
Sa mga maramihang-sagot na tanong, pinapahintulutan ang isa o higit
pang sagot sa isang tanong - ang bawat sagot ay maaaring magkarga ng
positibo o negatibong marka, kaya't ang pagpili sa LAHAT ng opsiyon ay
hindi tiyak na magreresulta sa magandang marka. Kung ang total na marka ay
negatibo ang total na marka para sa sagot ay magiging sero. Mag-ingat,
dahil maaari kang makalikha ng tanong na may iskor na mas malaki sa
100%.
Sa katapusan, ang bawat sagot (tama man o mali) ay dapat may puna -
ang puna ay ipapakita sa sumasagot malapit sa bawat sagot nila (kung ang
pagsusulit ay isinaayos na magpakita ng puna).