Ang Bumubuo sa Huling Marka
Ipinapakita ng manghad sa screen na ito ang huli mong marka at kung
paano ito kinuwenta. Binubuo ang huling marka ng tatlong posibleng
piyesa.
Ang markang ibinigay ng guro para sa ipinasa mong gawa.
Ang katamtaman ng mga markang ibinigay ng kapwa mo mag-aaral para sa
ipinasa mong gawa.
Marka para sa ipinamalas mong kakayanan sa hakbang na pagmamarka ng
kapwa mag-aaral. Ang kakayanang ito ay ibinatay sa (a) kung masyadong
mataas o mababa ang marka mong ibinigay kumpara sa katamtamang marka na
ibinigay ng ibang mag-aaral (ang tawag dito ay bias), (o) kung
sumusunod ang marka mong ibinigay, sa katamtaman, sa markang ibinigay ng
ibang mag-aaral (ang tawag dito ay reliability) at (i) sa kalidad ng mga
opinyon mong ibinigay sa iba pang gawa na minarkahan mo. Ito ay
minarkahan naman ng guro. Ang tatlong marka ng kakayanang ito ay
tinimbangan ng mga paktor na 1:2:3 alinsunod sa pagkakasunod-sunod, upang
bumuo ng pangkalahatang "marka". Kaya ang marka ng guro sa mga
opinyon ay binibigyan ng timbang na katumbas ng kombinasyon ng Bias at
Reliability na paktor.
Maaring baguhin ang timbang ng tatlong piyesang ito ayon sa kung ano
ang naaangkop sa takdang-aralin. Ang mga timbang ay ipinapakita sa mas
maliit na manghad.