Moodle Doks: Manwal ng mga Guro
Manwal ng Guro
Ang pahinang ito ay isang mabilisang gabay sa paglikha ng online na
kurso sa pamamagitan ng Moodle. Binabalangkas nito ang ilang
pangunahing function na magagawa, gayundin ang ilang pangunahing
desisyon na kailangan mong pagpasiyahan.
Mga seksiyon ng dokumentong ito:
Pagsisimula
Mga kaayusan ng Kurso
Paga-aplowd ng mga file
Pagsasaayos ng mga aktibidad
Pagpapatakbo ng kurso
Dagdag na impormasyon
Pagsisimula
Ipinapalagay sa dokumentong ito na isinet-up na ng site
administrator mo ang Moodle at binigyan ka niya ng bagong blankong kurso
na pagsisimulan. Inaakala rin dito na naglog-in ka na sa kurso mo gamit
ang panggurong account mo.
Narito ang tatlong pangkalahatang tip na makatutulong sa inyo sa
pagsisimula
Huwag matakot mag-eksperimento:
Butingtingin mo nang butintingin ang mga pahina at
bagubaguhin ang mga bagay-bagay dito. Mahirap masira ang anumang bagay
sa Moodle na kurso, at kahit makasira ka ng anuman, madali itong
maiaayos muli.
Tandaan at gamitin ang mga maliliit na icon na ito:
- ang edit
icon ay para sa pag-eedit ng anumang bagay na sinundan nito.
- ang
help icon ay magpapalitaw ng popup help window
-
ang open-eye icon ay para sa pagtatago ng anumang bagay
sa mga estudyante
-
ang closed-eye icon ay para sa pagpapalitaw ng
nakatagong aytem
Gamitin mo ang navigation bar na nasa taas ng bawat
pahina
makapagpapaalala sa iyo ito kung nasaan ka na at
maiiwasan mong malito.
Mga Kaayusan ng
Kurso
Ang una mong gawin ay pumasok sa "Administrasyon"
sa home page mo at iklik ang
"Mga Kaayusan..."
(Tandaan na tanging ikaw (at ang administrador ng site) ang
makakakita ng link na ito, gayundin ang kabuuang seksiyon ng
Administrasyon. Hindi makikita ng mga mag-aaral ang mga link na ito).
Marami kang kaayusang na mababago sa pahina ng Kaayusan hinggil sa
iyong kurso, mula pangalan hanggang sa kunag anong araw ito magsisimula.
Hindi ko na iisa-isahin ito, dahil may mga help icon naman na
katabi ng mga ito na magpapaliwanag sa lahat ng ito nang detalyado.
Gayunpaman, tatalakayin ko ang pinaka-importante sa mga ito - ang
format ng kurso.
Ang magiging batayang layout ng kurso mo ay nakasalalay sa pipiliin
mong format ng kurso, kumbaga ay isang template. Ang Moodle bersiyon
1.0 ay may tatlong format - sa hinaharap maaaring dumami ito
(pakipadala ang mga bagong ideya kay martin@moodle.org!)
Narito ang ilang screenshot ng tatlong sampol na kurso ng bawat isa
sa tatlong format (huwag ninyong pansinin ang magkakaibang kulay, na
isineset ng administrador ng site para sa buong site):
Lingguhang format:
Paksaang format:
Panlipunang format:
Pansinin na magkahawig na magkahawig ang lingguhan at paksaang
format sa istruktura. Ang pangunahing pinagkaiba nila ay, sa lingguhang
format, ang bawat kahon ay sumasaklaw sa eksaktong isang linggo,
samantalang sa paksaang format ang bawat kahon ay maaaring sumaklaw sa
anumang naisin ninyo. Ang panlipunang format ay hindi gaanong gumagamit
ng nilalaman, sa halip ay nakabatay ito sa iisang talakayan - na
nakadispley sa pangunahing pahina.
Tingnan ang mga help button sa pahina ng Mga Kaayusan ng Kurso para
sa detalye.
Pag-aaplowd ng mga file
Marami kang puwedeng isama sa kurso mo, tulad ng mga web page,
audio file, video file, dokumentong word, o flash animation. Anumang
uri ng file ay maaaring iaplowd sa kurso mo at itago sa server. Habang
nasa server ang mga file mo, maaari mo itong ilipat, baguhin ang
pangalan, iedit o burahin.
Maaaring magawa ang lahat ng ito sa pamamagitan ng
Mga File na link sa iyong menu ng Administrasyon.
Ganito ang itsura ng seksiyon ng File:
Tanging guro ang makakagamit ng interface na ito - hindi ito
puwedeng ma-access ng mga estudyante. Ang mga indibidwal na file ay
makikita ng mga mag-aaral paglaon (bilang "Mga Rekurso"
- tingnan ang susunod na seksiyon).
Makikita ninyo sa screenshot na ang mga file ay nakalista sa tabi
ng mga subdirektoryo. Maaari kang lumikha ng kahit ilang subdirektoryo
para iorganisa ang mga file mo at mapaglipat-lipat ang mga file mo sa
mga subdirektoryong ito.
Sa kasalukuyan, isa-isang file lamang ang maaaring iaplowd sa
pamamagitan ng web sa bawat pagpapadala. Kung gusto mong mag-upload ng
maraming file sa isang bira (halimbawa ay isang buong web site),
mapapadali ito sa pamamagitan ng paggamit ng
zip program para ma-compress ang mga ito sa isang file.
I-upload mo ang zip file at pagkatapos ay i-unzip ito sa server
(makakakita ka ng "unzip" na link sa tabi ng mga zip archive).
Kung gusto mong silipin ang anumang file na inaplowd mo, iklik mo
lamang ang pangalan nito. Bahala na ang web browser mo na idispley ito
o idownload sa kompyuter mo.
Puwedeng iedit nang online ang mga HTML at text file. Ang ibang file
ay kailangang iedit sa lokal na kompyuter mo at iaplowd na lamang
muli. Kung mag-aplowd ka ng file na may kaparehong pangalan, papalitan
nito ang lumang file.
Panghuling talâ: kung ang nilalaman mo ay nasa web, hindi mo na
kailangang iaplowd ang mga file - puwede mong ilink ang mga ito nang
direkta sa kurso (tingnan ang mga modyul ng Rekurso at ang susunod na
seksiyon).
Pagsasaayos ng mga
aktibidad
Ang ginagawa sa pagbubuo ng kurso ay ang pagdaragdag ng mga modyul
ng aktibidad ng kurso sa pangunahing pahina, na ang ayos ay ayon sa kung
alin ang unang gagamitin ng mga mag-aaral. Maaari mo itong balasahin
anumang oras mo naisin.
Para mabuhay ang pag-eedit, iklik ang "Buhayin ang
pag-eedit" sa ilalim ng Administrasyon. Ipinapakita o itinatago ng
toggle switch na ito ang mga ekstrang kontrol na magagamit mo sa
pagmanipula ng pangunahing pahina ng kurso. Pansinin mo na sa unang
screenshot sa itaas (ng Lingguhang format na kurso) na ang mga kontrol
ng pag-eedit ay buhay.
Para makapagdagdag ng bagong aktibidad, magpunta lamang sa
lingguhan o paksaan o seksiyon ng screen na gusto mong idagdag ito,
tapos ay piliin ang uri ng aktibidad mula sa popup menu. Narito ang
lagom ng lahat ng istandard na aktibidad sa Moodle 1.0:
Takdang Aralin
Ang takdang-aralin ay ang aktibidad na nagseset ka ng araw ng
pasahan at maksimum na marka. Makapag-aaplowd ang mga mag-aaral ng
isang file para masunod ang kinakailangan. Itinatala ang araw na
inaplowd nila ang kanilang file. Pagkatapos, magkakaroon ka ng isang pahina
kung saan mo makikita ang bawat file (at kung gaano kahuli o kaaga ito),
at tapos ay mairerekord mo na ang isang marka at isang komento.
Kalahating oras matapos mong markahan ang sinumang partikular na
estudyante, awtomatikong padadalhan ng patalastas na email ng Moodle
ang mag-aaral na iyon.
Pagpilì
Ang pagpiling aktibidad ay napakasimple - magtatanong ka
at magtatakda ng ilang pagpipiliang sagot. Mamimili ang mga mag-aaral,
at makikita mo ang ulat ng mga resulta sa isang screen. Ginagamit ko
ito sa pangangalap ng research consent mula sa mga estudyante ko, pero
puwede mo rin itong gamitin sa mabilisang poll o botohan ng klase.
Talakayan
Ang modyul na ito ang pinakaimportante sa lahat - dito nagaganap
ang diskusyon. Kapag nagdagdag ka ng bagong talakayan - mamimili ka
mula sa iba't-ibang uri - simpleng isahang-paksang diskusyon,
labo-labong pangkalahatang talakayan, o
isang-discussion-thread-bawat-user.
Rekurso
Ang mga rekurso ay ang mga nilalaman ng kurso mo. Ang bawat
rekurso ay anumang file na inapload mo o itinuro mo sa pamamagitan ng
URL. Maaari ka ring magmentina ng mga simpleng text-based na pahina sa
pamamagitan ng pag-type dito ng direkta sa isang form.
Pagsusulit
Sa modyul na ito, puwede kang magdisenyo at magtakda ng mga
pagsusulit, na maaring multiple choice, tama-mali, at tanong na
sasagutin ng maikli. Ang mga tanong na ito ay iniipon sa isang
may kategoriyang database, at maaaring gamitin-muli sa loob ng isang kurso at
maging sa iba pang kurso. Puwedeng payagang umulit sa pagkuha ng
pagsusulit ang mga mag-eeksam. Ang bawat pagkuha ay awtomatikong
minamarkahan, at puwedeng lagyan ng puna o ipakita ng mga guro ang
tamang sagot. May kasamang pasilidad para sa pagmamarka ang modyul na
ito.
Sarbey
Nagbibigay ng mga predefined na survey instrument ang modyul na
survey, na magagamit sa pag-evaluate at pag-unawa sa klase mo. Sa
kasalukuyan, ang mayroon ay ang COLLES at ang ATTLS na mga instrumento.
Maari itong ibigay sa mga mag-aaral sa simula ng kurso bilang diagnostic
tool at sa katapusan ng kurso bilang evaluation tool (gumagamit ako ng
isa bawat linggo sa mga kurso ko).
Pagkatapos mong mailagay ang mga aktibidad mo, maaari mo itong
ilipat pataas o pababa sa layout ng kurso sa pamamagitan ng pagklik sa
maliit na arrow icon (
) sa tabi ng
bawat isa. Puwede mo ring burahin ang mga ito sa pamamagitan ng
krus na icon ,
at muling i-edit ang mga ito sa pamamagitan ng edit icon .
Pagpapatakbo ng kurso
May plano na palakihin ang dokumentong ito at gawing isang masaklaw
na tyutoryal. Hangga't hindi naisasakatuparan ito, narito ang ilang
ideya:
Sumali kayo sa lahat ng talakayan para masubaybayan ninyo ang
mga aktibidad ng klase ninyo.
Hilingin ninyo ang mga mag-aaral na ilagay ang user profile
(pati ang larawan) nila, at basahin ninyo lahat ito - makakatulong ito
na mailagay sa wastong konteksto ang mga isusulat nila at tutulong sa
inyong tumugon nang angkop sa mga pangangailangan nila.
Magsulat kayo ng mga tala para sa inyong sarili sa
"Talakayan ng mga Guro" (sa ilalim ng
Administrasyon). Labis na kapakipakinabang ito kapag nagti-team
teaching.
Gamitin ang "Mga Log" na link
(sa ilalim ng Administrasyon) para makakuha ng kumpleto, at raw na log.
Doon makakakita kayo ng link sa isang popup window na nag-a-update
tuwing ika-animnapung segundo at nagpapakita ng huling oras ng
aktibidad. Makabubuti itong panatiling bukas sa inyong desktop nang
buong araw para masubaybayan ninyo ang mga nagaganap sa kurso.
Gamitin ang
"Mga Ulat ng Aktibidad" (katabi ng bawat
pangalan sa listahan ng lahat ng tao, o kaya'y mula sa anumang pahina ng
user profile). Magaling itong gamitin para malaman ang ginagawa ng
sinuman sa kurso.
Tugunin ninyo kaagad ang mga mag-aaral. Huwag ipagpaliban -
gawin kaagad. Hindi lamang tatambak ang gawain, kundi mahalagang bahagi
ito ng pagbubuo at pagmementina ng pakiramdam ng pagiging bahagi ng
pamayanan sa kurso ninyo.
Dagdag na
impormasyon
Kung may nararanasan kayong problema sa site ninyo, kontakin
ninyo ang inyong lokal na administrador ng site.
Kung may magagandang ideya kayo para paunlarin ang Moodle, o kahit
magagandang kuwento, tumungo sa moodle.org at sumali sa kurso naming
"Using
Moodle". Matutuwa kaming maringgan kayo, at makakatulong kayo sa
pagpapaunlad ng Moodle.
Kung gusto ninyong mag-ambag sa pagpoprogram ng mga bagong modyul,
o pagsusulat ng dokumentasyon, o papel, pakikontak ako:
Martin Dougiamas o tingnan ang "bug tracker" site para sa
Moodle, sa moodle.org/bugs
Bilang pangwakas, alalahaning gamitin ang mga help icon - heto ang
indeks ng
lahat ng help file sa Moodle.
Salamat sa paggamit ng Moodle at good luck sa
pagtuturo ninyo!
Dokumentasyon ng Moodle
Version: $Id: teacher.html,v 1.4 2002/08/18 10:00:01
martin Exp $
Wyszukiwarka
Podobne podstrony:
Mozart & Schubert TEACHER S NOTESteacherhentai Panty Flash Teacher (h264)teachersteachersgradingsteacherteacherteacherschocolate elementary teacher s notesteachersteachersteacherswięcej podobnych podstron