Ang Antas ng Lagpas na Alokasyon
Itinatakda ng antas na ito kung magiging balanse o hindi ang
alokasyon ng mga pangkapwang pagtatasa sa klase. Ang terminong
"balanse" dito ay tumutukoy sa kung ilang ulit ipamamahagi ang
bawat ipinasa para tasahin (ng kapwa mag-aaral). Kapag inilagay sa SERO
ang Antas ng Lagpas na Alokasyon, lahat ng ipinasa ay ipamamahagi nang
pareparehong ulit, alalaong baga'y, balanse ang alokasyon. Kapag
inilagay sa ISA ang Antas, ang ilan sa mga ipinasa ay maaaring
maipamahagi ng isang beses na mas marami kaysa iba pang alokasyon
(gayundin maaaring may ilang ipinasa na maipapamahagi ng isang beses na
mas kaunti kaysa sa ibang alokasyon), alalaong baga'y hindi balanse ang
alokasyon. Gayundin kung ang Antas ay inilagay sa DALAWA, mas malaki
ang magiging dipagkakapantay ng alokasyon.
Ang ideyal ay dapat balanse ang lahat ng pangkapwang pagtatasa.
Gayunpaman, ang kahinaan nito ay may ilang mag-aaral na hindi
magkakaroon ng buong kota ng ipinasa na tatasahin hangga't HINDI
naipapasa ng huling mag-aaral ang gawa niya. Kapag inilagay sa ISA ang
Antas ng Lagpas na Alokasyon, makukuha ng karamihang mag-aaral ang buong
"kota" nila ng mga ipinasa na dapat tasahin, at hindi
na nila kailangang maghintay ng huling ipinasa. Mas madalang ang
paghihintay sa mga huling ipinasa kapag ang antas ay itinakda sa DALAWA.
Kaya sa isang Pangworkshop na takdang-aralin, kung saan ang bilang ng
pangkapwa na pagtatasa ay isinet sa 5, at hindi pinoproblema na
matatasa (ng kapwa) ang ilang ipinasa ng 4 na ulit, ilan ay 5 ulit at
ang iba pa ay 6 na ulit, mas magiging madulas ang "pagdaloy"
ng takdang-aralin at hindi na kakailanganin ng mga mag-aaral na
maghintay ng napakabang panahon (kung may hihintayin nga sila) para
makapagpasa ng gawa nila ang iba kung ang Antas ng Lagpas na Alokasyon
ay binago mula sa default nitong halaga na SERO at ginawang ISA.
Wyszukiwarka
Podobne podstrony:
overallocationoverallocationoverallocationTutorial Overall Slope Reliabilityoverallocationoverall headeroverallocationoverallocationOVERALL WEB SITEOVERALL WEB SITE 3overallocationoverallocationoverallocationoverallocationoverall headeroverall headerwięcej podobnych podstron